Top 5 wanted rapist arestado na naman sa Isabela

Top 5 wanted rapist arestado na naman sa Isabela

November 11, 2022 @ 12:26 PM 3 weeks ago


ILAGAN CITY, ISABELA – Muling inaresto ng pulisya ang tinaguriang Top 5 Most Wanted Person o TMWP provincial level ang mister na akusado sa panggagahasa o rape sa loob ng piitan sa BJMP-Cabagan District Jail, Centro, Cabagan, Isabela.

Pinangunahan ni PMaj. Eric Constantino Provincial Officer ng Isabela Criminal Investigation and Detection Group- Provincial Field Unit o CIDG-PFU ang akusadong si Charlie Talub y Baccay, 35 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Bayabo East, Tumauini, Isabela.

Isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng Isabela CIDG-PFU, RIU2-PIT aT Tumauini Police Station ang warrant of arrest laban sa akusado sa kasong statutory rapesa ilalim ng Paragraph 1 of Art. 266-B of RPC as amended by RA 116481 docketed under CC# 22-4592 and 22-4593 (2 counts) na inisyu ni Hon. Dennis Agustin Mendoza, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 22, Cabagan, Isabela.

Ang akusado ay unang naaresto nitong nakalipas na buwan sa parehas na kaso kung kaya’t sa kabuuan ay nahaharap ito sa 3 counts ng panggagahasa.

Napag-alaman na isang tao lamang ang biniktima ng akusado sa makamunduhang pagnanasa na naging mitsa na habangbuhay na pagkabilanggo. Rey Velasco