Top 6 most wanted person, nalambat sa Navotas

Top 6 most wanted person, nalambat sa Navotas

September 20, 2022 @ 12:44 PM 2 weeks ago


Binitbit sa selda ang isang lalaki na listed bilang top 6 most wanted matapos mabitag sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Alejandro Villanueva, 43 ng R-10 Sitio Sto. Nino, Brgy. NBBS Proper, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) na nakita ang presensya ng akusado sa kanilang lugar kaya nagsagawa sila ng validation.

Nang positibo ng ulat, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO ang WSS sa pangunguna ni P/Major Felix Venancio Rivera at Sub-Station 4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:05 ng hapon sa kanyang bahay.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia B Parallag ng Family Court Branch 9, Navotas City para sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng RPC kaugnay ng Article III, Sec. 5 par. (b), ng R.A. 7610 (Sexual Abuse by Lascivious Conduct).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas police ang akusado habang hinihintay ang paglalabas ng kanyang Commitment Order. Boysan Buenaventura