Top 6 MWP sa Gapan nalambat sa manhunt ops

Top 6 MWP sa Gapan nalambat sa manhunt ops

July 21, 2022 @ 2:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kulungan ang hinantungan ng isang 18-anyos na estudyante makaraang magkasa ng manhunt operation ang mga operatiba ng kapulisan kahapon, Hulyo 20.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Alexie A. Desamito, hepe ng Gapan City Police Station, kinilala ang arestadong suspek na si Jhan Wesley Bernabe y De Guzman a.k.a Jhan Wesley Bernabe, binata at residente ng Brgy. Parcutela, Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Desamito, ganap na alas-5 ng hapon nang tuluyan nilang masakote ang suspek sa pakikipagtulungan na rin ng 303rd Regional  Mobile Force Batallion (RMFB 3) at 1st  Provincial Mobile Force Company (PMFC) 4th Maneuver Pltn.

Napag-alaman rin na ang suspek ay nakatala sa nasabing istasyon ng pulisya bilang Top 6 Most Wanted Person (City Level).

Hindi na nagawa pa na pumalag ng suspek matapos ihain dito ang Warrant of Arrest para sa di-umanoy kasong Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353) na may Criminal Case No. 25317-21 at 25318-21 na inisyu ng korte, sa Regional Trial Court (RTC), Third Judicial Region, Branch 34, Gapan City, Nueva Ecija na pinetsahan noong  Setyembre 29, 2021 at wala umanong piyansa.

Pansamantala ang suspek ay nasa kustodiya ng Gapan City police station. Elsa Navallo