Top 6 tulak, 3 durugista arestado sa P170K shabu

Top 6 tulak, 3 durugista arestado sa P170K shabu

January 26, 2023 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang Top 6 drug personality ng Masambong Police Station (PS-2) kabilang na ang tatlong durugista matapos na kumagat sa buy-bust operation kagabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III, ang mga nadakip.na sina Monica Delasan, 30 anyos, residente ng No. 41, Santiago St. Brgy. San Antonio Q.C. Top 6 Drug Personality, Jay Ian Bismonte, 19, ng No. 31 San Jose St., Brgy. San Antonio Q.C., Patrick Allen Bosque, 34, ng No. 62 Narig St. Brgy. Veterans, Q.C. at Francis Robert Pasco, 33, nakatira sa No. 17 Capillan St. Brgy. San Antonio, Q.C.

Ayon kay PS2 commander, PLTCOL Resty Damaso, dakong alas-11:20 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa harap ng No. 14 Bansalangin St., Brgy. Veterans Village Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang apat.

Narekober amg limang plastic sachet na naglalamqn ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga na P170,000, cellular phone, coin purse at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz