Top 7 most wanted person ng Eastern Samar sa kasong statutory rape, nabitag sa Navotas

Top 7 most wanted person ng Eastern Samar sa kasong statutory rape, nabitag sa Navotas

July 7, 2022 @ 2:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Makalipas ang mahabang panahon na pagtatago sa batas, bumagsak na sa likod ng rehas na bakal ang isang byudo na listed bilang top 7 most wanted ng Eastern Samar dahil sa kasong statutory rape matapos madakma ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Damaso Conopio, 72 ng Batangas St., Montimala, Makati City.

Ayon kay PSSg Antonio Bugayong Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intillegence Branch (SIB) ng Navotas police na madalas nakikita ang akusado sa Brgy. NBBS ng lungsod kaya nagsagawa ang mga ito ng validation kaugnay sa naturang report.

Nang positibo ang ulat, bumuo ng team ang SIB sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon, kasama ang NDIT RIUP NCR, PIU Eastern Samar PRO 8, Balangiga MPS, DID-NPD, at WSS ng Navotas police saka isinagawa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Conopio dakong 1:20 ng hapon sa kahabaan ng Sitio Putting Bato, Road 10, NBBS.

Ani Pabon, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong December 7, 2010 ni Judge Rolando M. Lacdo-O ng Regional Trial Court (RTC) Branch 42, 8th Judicial Region Balangiga Eastern Samar para sa kasong Statutory Rape. Boysan Buenaventura