Top 7 most wanted sa RII sa rape, himas-rehas

Top 7 most wanted sa RII sa rape, himas-rehas

November 4, 2022 @ 10:56 AM 4 weeks ago


ILAGAN CITY, ISABELA – Himas rehas ngayon ang tinaguriang #7 Top Most Wanted Person o TMWP sa Region 2 matapos mahuli ng Isabela Criminal Investigation and Detection Group-Provincial Field Unit o CIDG-PFU sa inilunsad na Oplan Pagtugis sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ni PMaj. Eric Constantino, Provincial Officer ng Isabela CIDG-PFU ang pag-aresto sa akusadong si Aquino, Mariano Jr. y Sarasa, 52 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Libertad, San Mariano, Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest sa pagsisilbi laban sa akusado ay katuwang ng CIDG-PFU ang PIDMU-IPPO, RIU2-PIT, PIU-IPPO at San Mariano Police Station sa pangangasiwa ni PMaj. Edgar Manuel.

Ayon kay PMaj. Constantino ang akusado may kinakaharap na tatlong beses na panggagahasa o rape (3 counts) na may criminal case number 10453, CC# 10454 and CC# 10455 na walang inirekomendang piyansa.

Maliban sa panggagahasa ay nahaharap din sa kasong Child Abuse Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) na may criminal case number 10452 na may piyansang P200,000 na inisyu ni Hon. Joel C Bantasan, Acting Presiding Judge, RTC, 2nd Judicial Region, Branch 18, City of Ilagan, Isabela.

Ang akusado ay Number 7 Top Most Wanted Person- WCPD Regional Level sa ulalim ng I.R. File Number CIDG RFU2-Isabela PFU.

Pansamantala nasa kustodiya ng Isabela CIDG-PFU ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng punagmulan. Rey Velasco