Top 9 most wanted nadakip sa Nueva Ecija

Top 9 most wanted nadakip sa Nueva Ecija

July 14, 2021 @ 12:34 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang 28-anyos na binata makaraang arestuhin ito sa isinagawang manhunt operation.

Kinilala ang arestadong suspek na si Ryan Gatchalian y Sabandal, residente ng Brgy. Nibaliw West San Fabian, Pangasinan.

Sa report ng pulisya, ganap na 9:45 ng umaga ng maaresto ang suspek, sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte para sa di-umanoy reklamong Acts of Lasciviousness in Relation  to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case Number 2021-0438-D noong June 8, 2021 sa RTC, Branch 43, Dagupan City, Pangasinan.

Napag-alaman pa na ang suspek ay nasa talaan ng otoridad bilang Top 9 Most Wanted Person (Municipal Level)(Listed at San Fabian MPS).

May pagkakataon naman ang suspek para makapaglaan ng piyansa sa halagang

Php120, 000.00 para sa pansamantalang paglaya nito.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Talavera police station. –ELSA NAVALLO