‘Top banks’ officials pinulong ni PBBM

‘Top banks’ officials pinulong ni PBBM

October 27, 2022 @ 9:49 AM 1 month ago


MANILA, Philippines-  Isang dinner meeting ang nangyari sa Malakanyang sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar at mga opisyal ng government financial institutions (GFIs) at ‘top banks’ sa bansa.

Ibinahagi ni Pangulong Marcos, sa kanyang official Facebook page ang mga larawan na kuha sa miting na idinaos sa Palasyo ng Malakanyang.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagpapalabas ang Malakanyang ng detalye ukol sa nasabing pulong.

Kasabay naman ng meeting ang ginawang pag-turn over ng kinatawan ng World Bank sa Framework for Resilient Housing and Shelter Programs in the Philippines sa Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) Public Housing and Settlements Service.

Layon ng framework na “to guide the harmonization and identification of housing strategies, programs and activities of national government agencies (NGAs), local government units (LGUs) and government partners from the disaster response to the rehabilitation and recovery phase, the DHSUD said in a separate Facebook post.”

Ang scheme ay ginawa alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s (NDRRMC) Resolution 10 na nilikha noong 2021.

Sa kabilang dako, base sa resolusyon ng NDRRMC, itinalaga nito ang DHSUD para pangunahan ang “shelter and housing assistance programs ” sa panahon ng “response, rehabilitation and recovery.”

Samantala, present o nakiisa naman sa turnover ceremony sina DHSUD Undersecretary Henry Yap; dating World Bank Disaster Risk Management (DRM) expert at kasalukuyang Social Welfare Undersecretary for Special Concerns Vilma Cabrera; WB DRM senior specialists Atty. Lesley Cordero at Marilyn Tolosa-Martinez; at key project consultants Fides Borja, Bernice Soriano at Atty. Madeline Ong.

Nangako naman ang DHSUD na susuportahan ang climate resilience efforts ng human settlements at urban development sector. Kris Jose