Top choice ni Sen. Lacson: Mayor Sara, next president

Top choice ni Sen. Lacson: Mayor Sara, next president

August 3, 2018 @ 6:36 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang “top choice” ni Senator Panfilo Lacson bilang susunod na pinuno ng bansa.

“Speaking of Mayor Sara Duterte, make no mistake, if the next leader of our country would emerge from the young, fresh, and new faces in national politics … my top choice right now is Sara Duterte,” ang pahayag ni Lacson sa Kapihan sa Senado forum.

Ayon sa senador, ang batang Duterte ay malakas ang loob, estrikto, matunog ang pangalan, progresibo mag-isip at may maayos na kalidad sa pamumuno.

Bagama’t sinabi ni Lacson na hindi naman niya ibig sabihin na wala nang ibang magiging mahusay na batang lider mula sa Senado, idiniin niya na kakaiba ang katangian ng Davao City mayor.

“A number of our young, hardworking colleagues are showing good leadership potentials. This is my political opinion based on whatever political sense I have accumulated after my long years in government service, Mayor Sara stands out and is right in front of the pack,” anang senador.

Gayunman, nilinaw ni Lacson sa mga mamamahayag na hindi ibig sabihin ng kanyang pahayag ay iniendorso niya si Mayor Sara.

“No, I’m not endorsing her. I’m just saying that among the known young leaders, if we will choose from young and fresh we can say na si Sara talaga ‘yung tinitignan natin,” ani Lacson.

“Not only because she is a daughter of the President pero because of track record and experience as a local government official in Davao,” dagdag niya.

Nitong Martes, matatandaan na sinabi ni Pangulong  Rodrigo Duterte na walang balak ang kanyang anak na tumakbo para sa national position.

“Ang anak ko, si Inday, I can tell you I know her. Hindi magtatakbo ‘yan ng national,” anang Pangulo sa kanyang speech sa 68th National Security Council at 69th National Intelligence Coordinating Agency founding anniversary celebration sa Pasay City.

Si Mayor Sara ay nasa kanyang ikalawang termino na bilang alkalde ng Davao City na mahigit dalawang dekada ring pinamunuan ng Pangulo bago tumakbo sa pagkapresidente noong 2016. NATS TABOY