Top military chief ng India, 12 pa, patay sa helicopter crash

Top military chief ng India, 12 pa, patay sa helicopter crash

December 9, 2021 @ 7:58 AM 1 month ago


INDIA – Nasawi sa isang air force helicopter crash ang  top military official ng India, Miyerkoles.

Ito ay matapos bumulusok ang isang Indian Air Force (IAF) helicopter na may sakay na 14 indibdiwal sa southern India, ayon sa kumpirmasyon mismo ng IAF.

Nasawi rin ang 12 iba pa, at tanging isa lang ang survivor.

Kinilala ang military chief na si Chief of Defense Staff Gen. Bipin Rawat.

Sa kasamaang palad ay maging ang asawa niyang si Madhulika Rawat, ay nasawi rin sa nasabing aksidente, ayon pa sa IAF.

Bumulusok ang nasabing helicopter sa Coonoor sa Tamil Nadu state, dagdag pa ng IAF.

Kinilala naman ang nag-iisang survivor na si Group Capt. Varun Singh, na ngayon ay ginagamot na sa Military Hospital sa Wellington.

Hindi pa batid sa ngayon ay dahilan ng crash, maging ang pagkakakilanlan ng iba pang mga pasahero. RNT