Top priority ni BBM, digital infra sabay ng Build, Build, Build program

Top priority ni BBM, digital infra sabay ng Build, Build, Build program

February 5, 2022 @ 4:19 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipaprayoridad niya ang development ng digital infrastructure kasabay ng “Build, Build, Build” infrastructure program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 “Naging malaking bahagi ang internet sa buhay natin. Kailangan natin pagandahin ang digital infrastructure. ‘Yun ang pinakauna na kailangan tugunan,” ani Marcos Jr. sa dzBB’s “Ikaw Na Ba? Presidential Interviews.”

Gayundin ay dadagdagan pa aniya ito ng digital infrastructure.

Punto pa ni BBM, kailangan ding maresolba ang problema sa energy sector.

“Kapag hindi sapat ang supply ng kuryente ay hindi talaga lalaki ang ekonomiya.”

Punto nito, palalawigin niya ang development ng hydroelectric at iba pang renewable energy sources tulad ng wind, solar, at geothermal. RNT/FGDC