‘Top to bottom’ changes sa BuCor, hirit ni Tulfo sa Senado

‘Top to bottom’ changes sa BuCor, hirit ni Tulfo sa Senado

November 14, 2022 @ 7:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Senador Raffy Tulfo sa pamahalaan na magkaroon ng “top to bottom” changes sa kabuuan ng Bureau of Corrections (BuCor) upang tuluyang malinis ang ahensiya partikular ang pagpapalit ng correctional officers na magkakamag-anak.

Sa panayam, sinabi ni Tulfo na dapat magkaroon ng mahigpit na screening process sa sinumang gustong pumasok o magtrabaho bilang correctional officers.

“Unang-una, top to bottom siguro na paglilinis,” ayon kay Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na nalaman niya kay Senador Robin Padilla na pawang magkakamag-anak ang jail guards sa nakatalaga sa New Bilibid Prison na tinagurian niyang “Kamag-anak Incorporated”.

“‘Yung mga jail guard halos magkakamag-anak ‘yan sila, at ‘pag nag-retire ‘yung isa, another kamag-anak ang papalit at kapag nagkaroon [ng] bakante, another kamag-anak ang irerekomenda,” aniya.

“Just imagine puro magkakamag-anak ‘yan. So, madaling sabwatan. So, lahat ng katiwalian na nangyayari doon, nagbubulagbulagan nalang because magkakamag-anak,” giit pa niya.

Tanging ang BuCor ang nangangasiwa at namamahala sa lahat ng state penitentiary.

Aniya, dapat magkaroon ng reshuffle sa correctional officers sa iba’t-ibang kulungan sa bansa tuwing anim na buwan.

“Why? Because to avoid familiarity. Familiarity breeds contempt,” giit niya.

Kamakailan, napatay si Percival Mabasa, 63, mas kilala bilang “Percy Lapid” habang patungo ito sa kanyang radio program sa Muntinlupa City.

Pinagbibintangan ng Department of Justice sina dating BuCor director general Gerald Bantag, kasama angdeputy security officer Ricardo Zulueta na kapwa pangunahing suspek sa pagpaslang.

Pinabulaanan ni Banta gang akusasyon. Ernie Reyes