TOPS pahinga sa kwaresma

TOPS pahinga sa kwaresma

April 6, 2022 @ 2:19 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Bilang  pakikiisa sa paggunita ng Kwaresma, pansamantala munang hindi magsasagawa ng sesyon ang Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’.

Ayon kay TOPS President Maribeth Lacson-Merana, nakiiisa ang mga miyembro at opisyal ng organisasyon para sa dalangin na maghari ang kapayapaan, pagmamahalan at pagkakaisa sa bansa na siyang paalala ng Maykapal.

Magbabalik ang TOPS ‘Usapang Sports’ na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR, via Zoom o face-top-face session sa unang Linggo ng Mayo.RICO NAVARRO