Total ban ng e-cigar at vapes, ipinanawagan

Total ban ng e-cigar at vapes, ipinanawagan

July 14, 2018 @ 11:06 AM 4 years ago


Manila, Philippines –Ipinanawagan ng isang health group sa gobyerno ang total ban sa paggamit ng electronic cigarettes o e-cigar.

“We call on President Duterte to impose a ban on selling, distribution and use of e-cigarettes, vapes, and all products necessary and incidental to the use thereof, just as he had done in Davao City,” ayon kay Mary Ann Fernandez-Mendoza, president of Health Justice group.

Layon ng kanilang grupo na protektahan ang mga kabataan sa panganib na dulot ng nuusong alternatibo sa sigarilyo.

Bukod dito, binanggit din ng grupo ang isang report ng World Health Organization taong 2017 kung saan sinasabing mapanganib ito sa mga kabataan lalo na sa mga fetus dahil sa nicotine at ilan pang kemikal na laman nito.

Ibinahagi rin ni Mendoza ang pag aaral ng The National Academies of Sciences, Engineering and Medicine kung saan lumabas na may matibay na ebidensiya na bukod sa nicotines, may mga toxic substance o nakalalasong mga sangkap ang e-cigarettes.

“The best course of action today is to totally ban it to avoid further endangering public health and safety,” paggigiit ni Mendoza. (Remate News Team)