Totoy, 4 pa nabitag sa Malabon buy bust

Totoy, 4 pa nabitag sa Malabon buy bust

November 8, 2022 @ 12:32 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Limang hinihinalang drug personalities ang arestado, kabilang ang isang menor-de-edad na lalaki na-rescue sa magkakawilay na buy bust operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief Col. Amante Daro, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hiwas Street Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ronaldo Velasco alyas “Dimple”, 42, (pusher/listed), Jayson Pisimo alyas “Long hair”, 33, construction worker at ang menor-de-edad na lalaki.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P6,800 at P300 marked money.

Nauna rito, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang matiklo naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Dr. Lascano St Brgy. Tugatog si Reynaldo Lozano alyas “Jon-jon, 50, construction worker at Jose Basco alyas “Jojo”, 39.

Nakuha sa kanila ang nasa 1 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P6,800 ang halaga at P300 buy bust money.

Bandang ala-1:30 naman ng madaling araw nang malambat din ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation sa Pampano Street corner C- 4 Brgy. Longos si Mclean Tibar alyas “Macmac”, 27, (pusher/listed) at nasamsam sa kanya ang humigi’t kumulang 1 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P6,800 ang halaga at P500 buy bust money.

Ani PSSg Kenneth Geronimo, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Druga Act of 2002. (Boysan Buenaventura)