Totoy binugbog, sinaksak ng 3 ‘praning’ sa Bulacan

Totoy binugbog, sinaksak ng 3 ‘praning’ sa Bulacan

March 19, 2022 @ 5:17 PM 3 months ago


Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 16-anyos na lalaking nanuod ng larong basketbol matapos pagtripang bugbugin at saksakin ng tatlong lasing sa Sta. Maria.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jollyboy Sumalinog, 24, habang nakatakas ang kasamahang sina Marvin Soriano at Jhonzkie, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Tumana.

Ang menor-de-edad na biktima ay itinago sa pangalang “Kelly”, residente ng naturang lugar.

Sa report, nangyari ang insidente bandang alas-8:30 ng gabi nitong Biyernes, sa kahabaan ng Santa Maria-San Jose road, Brgy. Tumana.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktima kasama ang ilang kaibigan mula sa panunuod ng larong basketbol sa lugar nang pagtripan at hamunin ng suntukan ng tatlong lasing.

Sa takot ng mga magkakaibigan at para makaiwas sa gulo ay nagtatakbo ang mga ito subalit hinabol sila ng mga suspek.

Sa kasamaang palad ay inabutan ang  biktimang si “Kelly” ng mga suspek kaya binugbog ito.

Sinasabing sinaksak ng balisong ng suspek na si Marvin ang biktima na masuwerteng nakaiwas dito.

Hanggang sa maglabasan ang mga residente sa lugar kaya nahuli at nadala sa barangay ang suspek na si Jollyboy habang nakatakas ang mga kasama nito.

Nahaharap sa kasong Frustrated Homicide at Physical Injury in relation to RA 7610 ang naarestong suspek at ang mga kasamahang tinutugis ng mga awtoridad. Dick Mirasol III