Totoy na NPA, patay sa sagupaan

Totoy na NPA, patay sa sagupaan

May 5, 2022 @ 11:10 AM 2 months ago


BACOLOD CITY – Maagang binawian ng buhay ang isang 16-anyos na binatilyo na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa magkasunod ng sagupaan ng tropa ng pamahalaan nitong Martes sa bayan ng Candoni, Negros Occidental.

Ayon kay Lt. Col. Michael Cuarteros, commanding officer ng Philippine Army’s 15th Infantry Battalion (IB), kinilala lamang ang namatay sa mga alyas “Kisap” at “Boyca,” squad medical officer ng NPA’s South West Front at taga sa Sipalay City.

Batay sa report ng 15IB report, rumesponde ng grupo sa Sitio Tigmaya, Barangay Gatuslao ng nasabing bayan hinggil sa 15 na armadong kalalakihan sa isinagawang p community support program ng bigla na lamang silang paputukan.

Tumagal ng 15-minuto ang bakbakan na ikinasugat ng isang sundalo at nilapatan na ng lunas sa ospital.

Nakarekober naman ang mga sundalo sa lugar ng pinangyarihan ng bakbakan ng M-16 rifle, .45-caliber pistol, anti-personnel mine, 5 aluminum magazines ng caliber 5.56mm rifle, higit sa 50 rounds ng iba’t ibang uri ng bala, 22 bullet shells, at 3 kilo ng ammonium nitrate composition.

Nakuha rin sa lugar ang isang hand-held commercial radio, mobile phone, personal belongings, at subversive documents.

Ikinalungkot naman ng mga sundalo ang pagkamatay ng binata dahil sa nagpagamit ito sa mga NPA na sumali at makipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni Cuarteros na ang ginawa ng mga rebeldeng NPA ay maliwanag na paglabag sa batas lokal man o international.

Aniya, the International Humanitarian Law (IHL) outlaws the recruitment of minors as child fighters. Rule 136 states that “Children must not be recruited into the armed forces or armed groups”.

Hinimok naman ni Cuarteros ang mga natitira pang CPP-NPA members sa southern Negros na sumuko na sila at tigilan na nila ang pagbuwis ng kanilang buhay sa walang kabuluhang ideolohiya.

“Government assistance awaits your return to start a new life. Otherwise, we will continue to hunt you down,” ani pa ni Cuarteros.

Ang CPP-NPA ay nasa listahan ng mga tinaguring terrorist organization sa United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.

Samantalang ang National Democratic Front (NDF) ay pormal na itinalaga bilang terrorist organization by the Anti-Terrorism Council noong June 23, 2021, tinagurian rin itong “isang integral at hindi mapaghiwalay na parte” ng CPP-NPA na itinatag noong Abril 1973. /Mary Anne Sapico