Totoy natagpuang patay sa dagat

Totoy natagpuang patay sa dagat

July 18, 2022 @ 2:21 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) kung nalunod nga ang isang 6-anyos na batang lalaki na natagpuang na nakalutang sa baybayin ng Baseco compound, Port Area, Manila.

Kinilala ang biktima na si John Raven Junio y Mosende, 6-anyos ng Blk 15 Staging Area Lot 166, Brgy 649, Baseco Compound Port Area Manila.

Sa salaysay ni Jennylyn Tayre y Ponce, 17, ng Brgy. 105 Happy Land Tondo, Manila kay PSSg James Mark G Lapinid ng MPD-Station 11, na nakita niya ang katawan ng biktima na nakalutang sa baybayin na sakop ng Block 1 Aplaya, Brgy 649 Baseco compound, Port Area, Manila dakong alas-3:30 Linggo ng hapon saka nito itinabi ang bangkay sa pampang.

Inaalam pa ng pulisya kung nalunod o inanod sa lugar ang bata. Jocelyn Tabangcura-Domenden