Totoy, nilamon ng ilog

Totoy, nilamon ng ilog

December 22, 2021 @ 11:26 AM 1 year ago


CAPIZ- Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Capiz , Capiz Emergency Response Teamat  BFP-Panitan, sa 11-anyos na batang lalaki matapos malunod sa ilog habang naglalaro sa balsa kasama ang kaibigan, kahapon ng hapon sa probinsyang ito.

Kuwento ng 9-anyos na batang lalaki na itinago sa pangalang Burnok, sinamahan niya ang biktimang si Debdeb sa ilog para magtapon ng patay na hayop sa ilog na sakop ng Paslang Rivee, Brgy. Salocon, Panitan, Capiz.

Pagdating sa ilog, nakita nila ang balsa kaya nagkayayaan silang sumakay hanggang sa napunta sila sa malalim na bahagi ng ilog.

Sa takot nila, tumalon sila sa ilog para lumangoy pero hindi pala marunong lumangoy si Debdeb kaya nalunod ito.

Humingi naman ng tulong si Burnok sa kanyang ama para iahon si Debdeb at sinisid pa sa ilalim subalit hindi na nila ito nakita pa.

Dahil dito, humingi na sila ng tulong sa mga awtoridad para sa paghahanap kay Debdeb. Mary Anne Sapico