Totoy patay sa riot

Totoy patay sa riot

October 24, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Duguang bumulagta ang isang 14-anyos na binatilyo matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng kalaban grupo ng mga kabataan, Lunes sa bayan ng Cogon.

Kinilala ang biktimang si Nathaniel Ebalang, at residente sa Ramonal Village, Brgy Camaman-an ng nasabing bayan.

Tugis naman ng pulisya ang isa sa mga suspek na kinilalang si Carl dela Vega, ng Soy Shit Dem Gang, at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Master Sgt Feliciano Belhot, ng Cogon Police Station, nagkainitan ang grupo ng biktima at mga suspek sa Corrales St., ng nasabing bayan.

Pinagtulungan ng grupo ng mga suspek ang biktima na hatawin ng tubo, pala at hindi pa nakuntento pinagsasaksak pa ito sa tiyan.

Duguang bumulagta sa kalsada ang biktima hanggang sa bawian ito ng buhay habang mabilis naman kumaripas ng takbo ang mga suspek pati na rin ang mga kaibigan ng biktima dahil sa takot.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico