Tourism job fair nagtala ng 332 HOTS; gradweyt ng Senior High natanggap sa trabaho

Tourism job fair nagtala ng 332 HOTS; gradweyt ng Senior High natanggap sa trabaho

October 5, 2022 @ 7:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Natanggap agad o hired-on-the-spot (HOTS) sa isinagawang tourism job fair ang 332 aplikante, kabilang ang mga nagtapos ng Senior High School, sa ginanap na Trabaho, Turismo, Asenso-Philippine Tourism Job Fair sa Cebu City.

Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, 20 nagtapos mg Senior High ang nabigyan ng trabaho bilang dealer, stock clerk, cashier, service crew, at customer service representatives.

Ang mga posisyon na may pinakamaraming bilang ng HOTS ay ang mga sumusunod:

路 ESL Teachers;

路 Cashiers;

路 New Dealers;

路 Customer Service Representatives;

路 Sales Staff;

路 Service Crew;

路 Office Staff;

路 Customer Assistants;

路 Stock Clerks; at

路 Baggers.

鈥淎ng positibong resulta ng kauna-unahang Trabaho, Turismo, Asenso: Philippine Tourism Job Fair na ginanap noong nakaraang linggo sa SM City Cebu ay nagpapakita ng muling pagbuhay sa industriya ng turismo sa Region-VII at ngayon ay tumatanggap na ng mas maraming aplikante upang tugunan ang kinakailangang manggagawa,鈥 sabi ni DOLE-7 OIC-Regional Director Lilia A. Estillore.

Ang mga nangungunang lumahok na employer at tumanggap ng pinakamaraming bilang ng aplikante ay ang mga sumusunod:

路 QQ English;

路 Rulls Cellphones and Accessories, Inc.;

路 SM Savemore;

路 Nustar Resort and Casino;

路 Azpired Inc.;

路 SM Supermarket;

路 SM Store;

路 Supervalue Inc.;

路 McDonald鈥檚 Philippines; at

路 SM Appliance.

Sa 1,830 na nagparehistrong naghahanap ng trabaho, 1,232 lamang ang kwalipikado. Humigit-kumulang isang daan ang isinangguni sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa karagdagang kasanayan at may 18 naman ang isinangguni sa Department of Trade and Industry (DTI) para mabigyang pagkakataong makapag-negosyo.

“Maaaring tumaas pa ang bilang ng mga HOTS sa mga darating na araw dahil mayroon din tayong naitala na 182 aplikante na nasa ilalim ng kategoryang Near Hires. Sa loob ng isang buwan ay maaaring magbago ang ating datos,鈥 ayon pa kay Estillore.

Ang 鈥淣ear Hires鈥 o iyong mga naghahanap ng trabaho na itinuturing na maaaring matanggap ngunit kinakailangan pang magsumite ng karagdagang dokumento ay imo-monitor ng DOLE at ang katuwang nitong Public Employment Service Office (PESO) – Cebu City鈥檚 Department of Manpower Development and Placement (DMDP) sa pamumuno ni Fidel Magno.

Inilunsad ang Trabaho, Turismo, Asenso-Philippine Tourism Job Fair sa Cebu noong Setyembre 22-23, 2022 sa Cebu Trade Hall, SM City Cebu, na pinangunahan ng Department of Tourism, DMDP, at DOLE-7. Jocelyn Tabangcura-Domenden