Tourism revenue ng Pinas, pumalo sa P149B nitong Nob. 2022 – DOT

Tourism revenue ng Pinas, pumalo sa P149B nitong Nob. 2022 – DOT

December 28, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kumita ang gobyerno ng Pilipinas ng P149 bilyon sa turismo para sa November 2022.

Sa year-end report ng departamento na ipinresenta sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng DOT na ang tourism revenues noong nakaraang buwan ay umabot sa P149 billion o $2.6 million.

“When it comes to tourist arrivals, some 2.4 million foreign tourists flocked to the Philippines, which is being recognized as the world’s leading beach and dive destination,” ayon sa DOT.

Ang bilang ng mga turista ay 75% ng 1.7 million foreign visitors na target ng DOT.

Sa taong 2023, target ng DOT na magkaroon ng 2.6 million international tourist arrivals sa ‘low scenario’ at 6.4 million sa ‘high scenario.’

Plano rin nito na ituon ang pansin sa “connectivity, convenience, at e(Quality).”

Ang inisyatiba ng DOT ay nasa ilalim ng Seven-Point Agenda nito na naglalayong paghusayin ang tourism infrastructure, magtatag ng cohesive digitalization at connectivity, palakasin ang overall tourism experience at i-equalize ang product development ng bansa.

Winika pa ng DOT na susuportahan nito ang local government-initiated tourism infrastructure, bubuksan ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) properties sa pagsusulong at pag-unlad sa pamamagitan ng public-private partnerships (PPPs), ide-develop ang Cruise Tourism gamit ang 136 ports para sa mahigit na 40 isla, magsasagawa ng regional travel fairs, ide-develop ang tourism circuits at ipagpapatuloy ang convergence sa tourism-enhancing government agencies.

“It will also improve convenience by establishing Tourism Information Desks and Tourist Rest Areas, enhance the Filipino Brand of Service Excellence, and improve the accreditation standards to ensure the competitiveness of the Philippine tourism sector,” ayon sa ulat.

Samantala, nangako naman ang DOT na bubuksan ang Mindanao region para i- promote ang Halal tourism, magdaos ng Philippine national job fairs, at palawigin ang tourism opportunity markets. Kris Jose