Tourist spots pineste ng OrMin oil spill

Tourist spots pineste ng OrMin oil spill

March 7, 2023 @ 7:29 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sapul na ng oil spill na nangayri sa Oriental Mindoro ang marine protected areas, beach resorts, at baybayin ng mga nakapaligid na lalawigan, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Partikular na tinukoy ng DOT ang marine protected areas sa Pola, Oriental Mindoro, katulad ng: King Fisher Reserve, St. John the Baptist Marine Sanctuary, Song of the Sea Fish Sanctuary, Stella Mariz Fish Sanctuary, Bacawan Fish Sanctuary, San Pedro the Rock Fish Sanctuary, at San Isidro Labrador Fish Sanctuary.

Kasama sa mga beach resort sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng spillage ang: Bihiya Beach, 3 Cottage, Long Beach, Aguada Beach Resort, Oloroso Beach Resort, Munting Buhangin Tagumpay Beach Resort, at Buhay na Tubig White Beach Resort.

Naapektuhan din ng oil spill ang bayan ng Caluya sa Antique, lalo na ang baybayin ng Sitio Sabang, Barangay Tinogbo, Liwagao Island, Barangay Sibolo, at Sitio Tambak sa Barangay Semirara.

Ang mga awtoridad ay nagsasagawa ng mga coastal clean-up sa mga apektadong lugar bilang isang agarang lunas upang maiwasan ang karagdagang pinsala, sinabi ng DOT.

“Anent this, the DOT note with seriousness the oil spill incident and its grave impact on the tourism industry, including disruptions in the livelihood of the affected communities, tourism-dependent businesses, and recreational activities,” sabi ni Tourism Secretary Christina Frasco.

Samantala, ang Malay town sa Aklan, na nangangasiwa sa Boracay Island, ay naghahanda na para mabawasan ang posibleng epekto ng oil spill kung ito ay makarating sa sikat na resort destination.

Inutusan ni Malay Mayor Frolibar Bautista ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils ng bayan at ang Philippine Coast Guard na siyasatin ang mga lugar na maaaring tamaan ng oil spillage batay sa direksyon ng hangin. Kabilang dito ang Puka Beach, Crimson Boracay, Mövenpick, at Shangri-La Boracay. RNT