Tourist target ng DOT sa 2022, nalagpasan na

Tourist target ng DOT sa 2022, nalagpasan na

December 24, 2022 @ 11:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nalampasan ng bansa ang paunang target na 1.7 milyong turistang dumating bago matapos ang taon matapos na umabot sa 2.5 milyong turista ang bumisita sa bansa, ayon sa Department of Touris,.

Sa bilang na ito, 75% ay mga dayuhan, dagdag ng DOT.

“We can see that the recovery has begun,” ani Tourism Secretary Christina Frasco sa interbyu ng CNN Philippines.

Para sa 2023, sinabi ng kalihim na plano ng ahensya ng turismo na ituon ang spotlight sa mga hindi pa natutuklasang destinasyon sa bansa.

Sinabi rin ni Frasco na ang DOT ay nagtatrabaho sa pagbibigay sa mga turista ng mga travel package na magbibigay-daan sa kanila na makapunta mula sa isang probinsya, lungsod, o munisipalidad patungo sa isa pa sa maikling panahon. RNT