Tourist visa application sa Japan binuksan na sa mga Pinoy

Tourist visa application sa Japan binuksan na sa mga Pinoy

October 5, 2022 @ 9:17 AM 6 months ago


MANILA, Philippines – Binuksan na ng Japanese Embassy sa Manila ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga indibidwal na turista na nagpaplanong bumisita sa Japan mula Oktubre 11 onwards.

Sinabi ng embahada na binuksan nito nitong Oktubre 4 ang mga aplikasyon para sa lahat ng uri ng visa, kabilang ang para sa individual travel, pagbisita sa mga kaibigan, at multiple-entry.

Ang pagpaparehistro para sa mga entrance, returnee follow-up system (ERFS), aniya, ay hindi na rin kailangan habang ang mga kinakailangan para sa pagbisita sa mga kaibigan ay pinalwuag na sa pagtanggal ng “written pledge” mula sa nag-imbita.

Ang petsa ng pag-alis para sa mga visa na ito ay magsisimula sa Oktubre 11.

Ang multiple-entry visa at APEC Business Travel Card ay muling igagalang simula Oktubre 11 hangga’t ang petsa ng paglalakbay ay nasa loob ng termino ng bisa.

Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kategoryang “asul” ng Japan, ibig sabihin ay hindi na kailangan ang pre-departure COVID-19 test hangga’t may valid vaccination certificate ang pasahero na mayroon siyang tatlong dosis ng Japan-approved vaccine.

Ang mga bakunang inaprubahan sa Japan ay ang mga sumusunod:

– COMIRNATY / Pfizer
– Spikevax intramuscular Injection / Moderna
– Vaxzevria intramuscular Injection / AstraZeneca
– JCOVDEN intramuscular injection/Janssen (Sa kaso ng pangunahing serye, ang isang dosis ay itinuturing na katumbas ng dalawa)
– COVAXIN/Bharat Biotech
– Nuvaxovid intramuscular Injection / Novavax
– Ang Covishield (ginawa ng Serum Institute of India) at COVOVAX ay itinuturing na kapareho ng Vaxzevria intramuscular injection/AstraZeneca at Nuvaxovid intramuscular injection/Novavax

RNT