P41.9-M quarantine facility sa Bataan natapos na – DPWH

February 26, 2021 @11:27 AM
Views:
11
MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakumpleto na ang P41.9-M quarantine facility sa Barangay Alasasin Mariveles, Bataan.
“We have officially turned over to the local government of Mariveles a total of three (3) units of health facilities with individual quarters, comfort rooms, separate quarters for health personnels, and nurses’ station to aid in the LGU’s intensified efforts,” ayon kay DPWH Secretray Mark Villar.
Kasama sa proyekto ang pag-convert ng 20-feet container vans sa 16-units ng air-conditioned emergency health facility na may persons with disability (PWD) friendly ramps, portable generator sets, single-phase electrical power distribution system, at electrical room.
Maari ding magamit ang pasilidad kapag natapos na ang pandemya bilang pangunahing mga lugar ng paglikas sa panahon ng mga kalamidad at iba pang mga health-related emergencies. Jocelyn Tabangcura-Domenden
15 mangingisda na 6 araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip – PCG

February 26, 2021 @11:16 AM
Views:
15
MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 15 mangingisda sa Mindanao na nagpalutang-lutang sa karagatan ng anim na araw.
Ayon sa ulat nitong Biyernes na lumubog ang bangka ng mga mangingisda matapos na pasukin ng tubig sa kalagitnaan ng pananalasa ni Auring sa northern Mindanao.
Ayon sa PCG, na maswerteng walang malalang sugat ang mga mangingisda na dinala agad sa General Santos City. RNT
113 pagyanig naitala sa Taal sa 24 oras

February 26, 2021 @11:04 AM
Views:
11
BATANGAS – Nakapagtala ang PHIVOLCS, Biyernes, ng 113 pagyanig sa Taal Volcano na tumagal ng isa hanggang 34 minuto sa nakalipas na 24 oras.
Mas mataas ito kumpara sa 69 pagyanig na naitala noong Huwebes na tumaga ng isa hanggang halos kalahating oras.
Sa pinakahuling bulleting ng PHIVOLCS, nagbuga ng mahinang steam-laden plumes ang main crater ng bulkan.
Nananatili ang Alert Level 1 sa Taal Volcano, na nangangahulugang posible ang biglaan paglalabas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o pagbuga ng volcanic gas. RNT
‘Family day’ sa tourist spots sa Maynila, suportado ni Yorme

February 26, 2021 @10:53 AM
Views:
17
MANILA, Philippines – Suportado ni Manila Mayor Isko Moreno, Biyernes, ang panukala ng Department of Tourism na magtatag ng ‘family day’ sa mga tourist site sa Maynila.
Ibig sabihin nito, base sa hiling ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Inter Agency Task Force Against COVID-19 na payagang ikansela kahit isang araw lang ang ipinatutupad na age restriction sa Maynila para makapamasyal ang buong pamilya sa mga pasyalan sa lungsod.
Sa ilalim kasi ng guidelines ng IATF na hindi pinapayagang makalabas ang 15-anyos pababa at 65-anyos pataas malibang na lang kung kinakailangan talaga tulad ng pagpapaospital.
“Aprub! Of course, we want to support tourism, lalo na ngayon, domestic tourism, tayo-tayo lang ang nagpapasyalan. Wala tayong mga banyagang pumupunta rito,” komento naman ni Isko sa nasabing panukala.
Ani Moreno na makatutulong ng malaki ang nasabing banukala sa ekomoniya na pinalubog ng pandemya.
“Pangalawa, if there’s an open space as an alternative for our people to go to, hinihikayat namin ‘yan, especially sa Intramuros, especially in Intramuros,” giit pa ng alkalde.
Kamakailan lang nang buksan ng Maynila ang Intramuros para sa mga turista na maaring makalabas ng bahay.
“Nakapagtiyaga na tayo ng 11 months. I think a few days will not harm,” ayon pa sa alkalde. RNT
Mga Pinoy sa US pinag-iingat sa lumalalang hate crimes vs. Asians

February 26, 2021 @10:40 AM
Views:
24