Trabaho ng state auditors pagagaanin ni COA chief Cordoba

Trabaho ng state auditors pagagaanin ni COA chief Cordoba

October 28, 2022 @ 10:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magiging magaan na ang trabaho ng mga empleyado ng Commission on Audit (COA) dahil pupunan na ni chairperson Gamaliel Cordoba ang mga bakanteng posisyon nito.

Layon ng hakbang ni Cordoba na pagaanin ang load o dami ng trabaho ng mga auditors

At dahil sa hakbang pa rin niyang ito, tinawagan naman niya ng pansin ang mga empleyado ng COA na tiyakin na episyenteng magagamit ang public resources sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.

“Resources must be spent by the government economically, efficiently and expeditiously. The Commission should facilitate this by enabling agencies to do their jobs better,” anito.

“We will be partners in rebuilding our country. We will be enablers,” dagdag na wika nito.

Dapat din aniya na patuloy na magsumikap ang mga empleyado upang makuha ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng “honest, professional and dignified approach in performing its mandate.”

Idagdag pa rito, nangako naman si Cordoba na personal na tututukan ang kapakanan ng mga COA employees sa ilalim ng kanyang liderato sa pamamagitan ng tiyakin na ang state auditors ay hindi ma- overworked at sa pamamagitan ng pagpunan sa mga bakanteng posisyon at training auditors para palakasin ang audit capability compliant na may international standards.

Pinalitan ni Cordoba si Jose Calida, dating Solicitor General. Kris Jose