Trabaho para sa K-12 grad, out-of-school youth posible sa tulong ng YouthWorks PH

Trabaho para sa K-12 grad, out-of-school youth posible sa tulong ng YouthWorks PH

October 13, 2022 @ 1:47 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga Grade 12 student na magkaroon ng maayos na trabaho sa pamamagitan ng alok na libreng training mula sa public at private sector sa tulong na rin ng YouthWorks PH na isang non-government organization o NGO.

Sa ilalim ng programa katuwang ang Department of Education (DepEd), TESDA at sa suporta ng United States Agency International Development o USAID hinihimok ang mga kabataan gayundin ang mga out of school youth na mag-avail ng libreng training mula sa mga piling mga kompanya.

Ayon kay PBed executive director Lovelaine Basillote, sa kauna-unahang YouthWorks PH Skills Partnership Summit sa Shangri-la The Fort na may temang “Back on Track: Paving the path to prosperity with a skilled young workforce”,  nilalayon nito na ipakita ang bagong mukha ng techvoc– isa na tumutugon sa nagbabagong mundo ng trabaho dahil pinapagana ito ng partisipasyon at pakikipagsosyo ng pribadong sektor.

May 2018 nang ilunsad ng PBEd o Philippine Business for Education at USAID ang YouthWorks PH kung saan matagumpay na nagbukas ng 13,734 work based training opportunities para sa mga kabataan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa publiko at pribadong sektor.

Sa ngayon, 4,299 na kabataan ang matagumpay na nailagay sa programa. Sa kabila ng pandemya, 62% ng mga nagtapos ay may trabaho na.

Sinabi pa ni Basillote na mayroon nang 12 technical-vocational school partners kabilang ang Tesda Online Program, 37 company partners, at 37 partners sa pagbibigay ng wraparound support para sa youth training upang mabigyan sila ng patas na pagkakataon.

Binuo ang nasabing programa dahil ang unemployment rate sa mga kabataan ay dumoble.

“Our response was YouthWorks PH; in our belief that improving youth employability and achieving shared prosperity can be done, and the government, schools, and employers – especially employers – have a big role to play in making this happen. When the youth have access to industry-responsive and innovative training, wrap-around support, and employment opportunities, they are empowered to lead better and productive lives,” ipinunto pa ni Basillote.

Ayon kay Basillote, dapat aniyang buhayin ang workforce dahil 15% ng mga manggagawa sa Pilipinas ay 15-24 taong gulang.

“Workforce revitalization cannot happen without the youth. Such revitalization cannot happen without a new and industry-driven career and technical education ecosystem,” sabi pa ni Basillote.

“Tech-voc workers are important backbone of industries, and tech-voc jobs are essential in powering the Philippine economy. We saw this as we implemented YouthWorks during the pandemic years,” dagdag niya.

Ayon pa kay Basillote, ilalapit din ito sa mga local government units o LGUs upang mas mapadali na mahikayat ang mga kabataan para sa oportunidad na madalas na hindi nila naabot at hangarin ng YouthWorks PH na mapabuti ang kakayahan ng kabataan sa trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden