Trabaho sa mga lokal na opisina ng Comelec na apektado ng lindol, suspendido

Trabaho sa mga lokal na opisina ng Comelec na apektado ng lindol, suspendido

July 27, 2022 @ 5:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang trabaho sa mga lokal na opisina na direktang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol na nagpaalog sa Abra at ilang bahagi ng Luzon, ayon kay acting spokesperson Rex Laudiangco.

“Upon orders of Acting Chairperson Socorro B. Inting, and fully supported by Commissioner Marlon S. Casquejo, Commissioner Aimee P. Ferolino, and Commissioner Rey E. Bulay, Executive Director Bartolome J. Sinocruz Jr. was directed to issue a Memorandum suspending work in all areas directly affected by the earthquake, in conjunction with similar work suspensions issued by their respective local government units,” sabi ni Laudiangco sa mga mamahayag sa pamamagitan ng Viber message.

Sa kanilang regular en banc session, sinabi ni Laudiangco na iniulat ni Sinocruz sa Comelec na walang Comelec field office ang nakaranas ng major structural damage at walang election field officer o staff na nasugatan.

Ang mga impormasyong nakalap ay mula sa Comelec regional election directors, partikular sa Regions 1, 2, 3, at CAR.

Bukod dito, ang regional election directors ay inatasan ng en banc na i-assess ang kani-kanilang field offices at kanilang operasyon.Inatasan din sila na magsumite ng kani-kanilang reports.

Sa ngayon, sinuspinde ng mga pamahalaang panlalawigan ng Baguio at Ilocos Sur ang trabaho sa mga pampubliko at pribadong sektor dahil sa lindol, na ang sentro ng lindol ay natunton sa Tayum, Abra. Jocelyn Tabangcura-Domenden