Beijing/Washington – Papalo sa $34-billion ang ipapataw na taripa ng US sa mga papasok na Chinese products sa pagsisimula ng ‘trade war’ sa pagitan ng dalawang bansa.
Dahil dito, inaasahang malaki ang magiging epekto nito sa mga negosyo at maging sa mga konsyumer sa parehong estado.
Umaga ng Biyernes nang ipatupad ng White House ang kautusan na naging hudyat ng pag-akusa kay US President Donald Trump na ‘hoodlum’.
Nagbanta rin ang China na tatapatan ang ipinatong na tax sa kanila ng US.
Dahil sa nagaganap na trade war, posibleng malaki rin ang ibagsak ng global economy ayon sa ilang mga balita.
Ayon sa central bank adviser ng China, kung maipatutupad pa ng US ang kasunod na dagdag $16-billion sa kanilang taripa, posibleng bumagsak ang ekonomiya ng China ng 0.2 percent.
Nanawagan na rin sa isang pahayag ang China foreign minister sa mga European countries na makipagtulungan sa kanila para isalba ang globally free trade system. (Remate News Team)