Traffic advisory sa selebrasyon ng Christ the King sa Las Pinas, inilabas

Traffic advisory sa selebrasyon ng Christ the King sa Las Pinas, inilabas

November 19, 2022 @ 1:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng traffic advisory ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas kung saan inaabisuhan ang mga motorista sa mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road bunsod sa selebrasyon ng pista ng Christ the King ngayong Sabado, Nobyembre 19.

Ang pagbibigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road ay dahil sa mga inihandang kaganapan ng kura paroko at residente na nasasakupan ng Christ the King Parish sa San Isidro, Pamplona I.

Isang fiesta karakul street dancing ang inihanda ng kura paroko na isasagawa mula alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng umaga na susundan pa ng motorcade at parada ng mga banda ng musiko ng ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.

Pagsapit naman ng alas 7:00 gabi ay magsasagawa ng prosisyon para sa Blessed Sacrament na magtatagal ng hanggang alas 9:00 ng gabi.

Nananawagan naman ng pang-uunawa ang lokal na pamahalaan sa mga motorista na apektado ng mabigat na daloy ng trapiko sa selebrasyon ng taunang kapistahan ng Christ the King. James I. Catapusan