Traffic enforcement mas paiigtingin ng MMDA sa holiday season

Traffic enforcement mas paiigtingin ng MMDA sa holiday season

November 17, 2022 @ 9:23 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas paiigtingin nila ang mga operasyon sa paparating na holiday season.

Ito ang inihayag ng MMDA nitong Miyerkoles, Nobyembre 16 kung saan mas palalawigin nila ang duty ng kanilang mga traffic enforcer kasabay ng pagpapatupad ng extension sa mall hours sa Metro Manila.

Sinabi rin ni MMDA Acting Chairman Don Artes na iwasan ng kanilang mga enforcer ang pagkukumpulan at paggamit ng cellphone habang naka-duty at dapat na mas bigyang-prayoridad ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

“Our primary duty and priority is to manage traffic first before apprehending erring motorists. We don’t allow the practice of waiting for motorists to violate traffic rules before flagging them down,” sinabi ni Artes.

“However, to avoid impeded traffic flow, minor violations like swerving could be exempted on a case-to-case basis except for distracted driving and number coding,” dagdag pa niya.

Samantala, inatasan naman ng MMDA ang lahat ng mga contractor na nagsasaayos ng mga kalsada na maglagay ng steel plate cover sa kanilang mga hinuhukay upang madaanan ng mga motorista habang umiiral ang suspensyon sa mga road repair at construction ngayong Kapaskuhan. RNT/JGC