Laguna -Idineklarang dead on arrival sa pinaka-malapit na hospital ang isang traffic enforcer ng pagbabarilin ng hindi nakikilalang motorista kaninang umaga sa Barangay VII-E San Pablo City.
Kinilala ng San Pablo City PNP ang biktimang nasawi matapos magtamo ng tama ng bala sa parte ng katawan na si Manuel Justiniana y Reazo , nasa hustong gulang ,traffic enforcer , naninirahan sa nasabing lungsod.
Base sa inisyal na report sa tanggapan ni P/Chief Supt. Edward Carranza Regional Director ng PRO4 Calabarzon dakong alas- 8 kaninang umaga habang ang biktima na kasalukuyang nagsasagawa ng pang-araw-araw nitong trabaho bilang traffic enforcer ang biktima .
Napag-alaman na, isang motorista ang nakikipagtalo sa biktima na humantong sa barilin ng suspek ang biktima.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang hindi nakikilalang suspek patungo sa San Pablo City market dala ang armas na ginamit sa pagpaslang sa biktima .
Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng SOCO mula sa Laguna Police Provincial Office sa pinangyarihan ng krimen, patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek . (Ellen Apostol)
Photo: Niña Charissa Cortez Sentillas FB