Traffic light timers sa Metro Manila papalitan ng sensor

Traffic light timers sa Metro Manila papalitan ng sensor

August 6, 2022 @ 11:00 AM 6 days ago


MANILA, Philippines- Papalitan ng loop detectors o sensors ang timers sa lahat ng traffic lights sa mga intersection sa biong Metro Manilan sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Ayon sa ulat, unti-unti nang pinapalitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang timers ng adaptive sensor traffic control system.

Sa bagong teknolohiya, magkakabit ng loop detectors o sensors na makatutukoy sa daloy ng trapiko sa mga intersection.

“Usually ang reklamo ng mga motorista ‘walang dumadaan sa lahat ng approach kami meron’ pero wala pa yung time nila kailangan nila ubusin yung isang minuto o higit pa,” ani Engr. Jemima Ann Ado mula sa MMDA.

Sinimulan ng MMDA ang proyekto noong 2012, base sa ulat. Sa kasalukuyan, ginagamit na ang traffic lights na may sensor sa mahigit 200 intersection sa National Capital Region.

Subalit, ilang motorista ang mas pabor sa timer sa traffic lights. 

“Hindi ka nabubulaga, makakapag-prepare ka,” ayon sa isang motorista.

Inihayag naman ng MMDA na nakikipag-ugnayan na sila sa local city government ukol sa isyu.

“Para mabigyan ng another two seconds para magkaroong ng pagkakataon na makatawid sa intersection,” sabi ni MMDA Traffic Engineering Section Chief Engineer Francisco Pesino. RNT/SA