Traffic rerouting scheme para sa SONA 2022 inilatag ng MMDA

Traffic rerouting scheme para sa SONA 2022 inilatag ng MMDA

July 18, 2022 @ 6:15 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilatag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes ang traffic rerouting plan para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 25 sa Batasang Pambansa.

Inihayag ng MMDA na ikakasa nito ang zipper lane o counterflow sa southbound portion ng Commonwealth Avenue upang bigyang-daan ang mga sasakyan ng government officials at iba pang dadalo sa complex.

Inabisuhan din ng ahensya ang mga motorista na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta  dahil inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa SONA 2022:

NORTHBOUND (Quezon Memorial Circle hanggang Fairview)

  • Sa mga sasakyan mula sa Elliptical Road, dumaan sa North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue at kumanan muli sa Sauyo Road o sa Quirino Highway, tsaka dumaan sa Commonwealth Avenue patungo sa destinasyon

SOUTHBOUND (Fairview hanggang Quezon Memorial Circle)

  • Sa mga sasakyang mula Commonwealth Avenue dumaan sa Sauyo Road o Quirino highway, kumaliwa sa Mindanao Avenue, kumaliwa muli sa North Avenue patungo sa destinasyon

Para naman sa mga motorista sakay ng light vehicles, pwedeng dumaan sa mga sumusunod na ruta:

NORTHBOUND (Quezon Memorial Circle hanggang Fairview via Marikina)

  • Sa mga light vehicle mula Elliptical Road (QMC) kumanan sa Maharlika St., kumaliwa sa Mayaman St., kumanan sa Maginhawa St., kumaliwa sa C.P. Garcia Avenue, kumanan sa Katipunan Ave., kumaliwa sa A. Bonifacio Ave., dumiretso sa Gen. Luna Ave., kumanan sa  Kambal Rd., kumaliwa sa GSIS Road, kumaliwa sa Jones St., kumanan sa Gen. Luna Ave., dumiretso sa A. Mabini St., turn kumaliwa sa Rodriguez Highway, kumaliwa sa Payatas Road patungo sa destinasyon.

  • Sa mga light vehicle mula C5 Road, kumaliwa sa Magiting St., kumanan sa Maginhawa St., kumaliwa sa Mayaman St. patungong Kalayaan Avenue hanggang sa destinasyon.

Samantala, lahat ng truck mula sa C-5 sa kahabaan ng Katipunan Avenue, dumaan sa Luzon Flyover tsaka kumaliwa sa Congressional Avenue patungong destinasyon.

“Personnel assigned are tasked to manage both vehicular and pedestrian traffic, emergency response, clearing operations, assist in crowd control, and support the operations of the Task Force SONA 2022, Philippine National Police, National Capital Region Police Office, Quezon City Police District, Presidential Security Group, and Quezon City government to ensure a peaceful and orderly SONA,” ayon kay MMDA officer-in-charge Baltazar Melgar.

Dagdag pa niya, ang MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit, sa pakikipag-ugnayan sa Quezon City government, ay paiigtingin ang clearing operations toupang alisin ang anumang uri ng road obstructions, kabilang ang illegally-parked vehicles, upang tiyakin na makakadaan sa alternate routes.

Magtatalaga rin ng mga ambulansya, tow trucks, fire trucks, mobile patrol units, at motorcycle units sa designated routes at staging areas, base sa MMDA.

Inilahad ng National Capital Region Police Office nitong Sabado na magpapakalat ng 21,000 security forces para sa SONA 2022.

Paiiralin din ang gun ban sa Metro Manila mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 27 upang tiyakin ang seguridad sa SONA, base sa PNP. RNT/SA