Traffic violation penalties, lagyan ng hangganan-solon

Traffic violation penalties, lagyan ng hangganan-solon

August 15, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinulong ng isang mambabatas ang panukalang batas na naglalayong lagyan ng cap o hangganan ang ipinapataw na penalties sa traffic violations.

Layon ng House Bill House Bill No. 3423 na inihaian ni Albay Rep Joey Salceda sa Kamara na mabigyang proteksyon ang mga motorista labansa masyadong mataas na multa sa traffic violations.

Sa ilalim ng panukala ng solon, ang multa sa unang offense ay hindi dapat lalagpas sa daily minimum wage, ikalawa at ikatlo at hindi dapat lalag[as sa daawang araw na minimum wage, nakapaloob din sa panukala na dapat magkaroon ang mga local government ng traffic adjudication body na didinig sa apela ng mga motorista lalo sano-contact apprehension policy na ipinatutupad ng mga LGUs.

“The point of traffic laws is orderly transport, not punishment. The penalties, especially for local minor traffic violations, can go as high as P3,500 for first offense. That is confiscatory, and it sets up room for negotiating with the traffic authorities. The child of confiscatory penalties is kotong,”pahayag ni Salceda.

Aniya, hindi na makatwiran ang mga multa na sinisingil ng LGUs na sobra sobra sa kinikita ng mga motorista.

Ilang motorista lalo na ang mga nasa delivery service ay pabor sa panukala ni Salceda kung saan ilan sa mga ito ay mas pabor na magkaroon ng community service bilang parusa kaysa sa ibigay pa ang kanilang perang kinita na iuuwi na lamang sana sa pamilya. Gail Mendoza