Trailer ng Avengers: Endgame, inilabas na

Trailer ng Avengers: Endgame, inilabas na

March 15, 2019 @ 3:08 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Isa na namang trailer ang inilabas para sa  Avengers: Endgame, isang buwan bago ito ipalabas sa mga sinehan sa April 26, 2019.

Ang Avengers: Endgame ay kasunod ng Avengers: Infinity War kung saan ipinakita ang pagtatagumpay ng plano ni Thanos na burahin ang kalahati ng populasyon ng universe.

Ikinalungkot at ikinagulat ng ilang fans ang naging katapusan ng pelikula dahil maging ang ilang miyembro ng Avengers ay naglaho rin at naging abo.

Ang trailer ay kagaya lamang ng una, makikita si Tony Stark na lumulutang sa kalawakan na malungkot at maraming pinagsisisihan. Ipinakita rin ang black-and-white montage shots ng mga naunang Marvel Comics Universe movies gaya nina IronMan, Thor, Captain America at iba pang natitirang Avenger na nalulumbay sa pagkawala ng kanilang mga kasamahan.

Subalit ipinakita din sa trailer ang pagbangon ng Avengers kung saan susubukan nila muling talunin si Thanos at bawiin ang kanilang mga kaibigan.

Ipinakita rin sa pelikula si Captain Marvel, bagong Avengers spacesuits, bagong hairdo at iba pa.

Ang Avengers: Endgame ay ipalalabas sa April 26, 2019 at muling ididirek ng nina Joe at Anthony Russo.

Susundan ang Avenger: Endgame ng Spider-Man: Far From Home sa July kung saan muling mapanunuod sina Tom Holland bilang Spiderman at Samuel L. Jackson na gumaganap naman bilang Nick Fury./Remate News Team