Trailer ng bagong pelikula ng ‘KathNiel’, trending agad

Trailer ng bagong pelikula ng ‘KathNiel’, trending agad

July 28, 2018 @ 3:49 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Wala pang 24 oras, trending na ang kalalabas pa lang na trailer ng bagong pelikula ng KathNiel.

Apat na oras mula nang i-upload sa Facebook ang trailer ay pumalo na sa 1.2 milyon ang views nito habang 124,730 views sa Youtube.

Sinimulan ang trailer ng masayang young sweethearts (Daniel Padilla at Kathryn Bernardo) na nakaupo sa sofa at ini-imagine ang pagtupad ng mga pangarap nila.

Magkahiwalay na career ang tinitingnan ng dalawa kung saan gustong maging rock band star ni Padilla habang doctor naman ang pangarap ni Bernardo.

Pero sa dulo ng trailer ay tila magkakaroon ng mga problema ang dalawang karakter.

Ang upcoming film ng “The Hows of Us” sa pangunguna at sinasabing huling direksiyon na ni Cathy Garcia-Molina ay mapanonood sa August 29. (Remate News Team)