Trailer ng Stranger Things Season 3, inilabas na

Trailer ng Stranger Things Season 3, inilabas na

March 21, 2019 @ 8:47 AM 3 years ago


Manila, Philippines – “One summer can change everything.” 

Iyan ang ipinararating ng kalalabas pa lamang na trailer ng ikatlong season ng Netflix’s “Stranger Things.”

Sa trailer ipinakita ang mga bidang karakter na humaharap sa hamon ng pagiging tinedyer. Habang pinakikita ang mga pagbabago sa kanilang buhay simula noong season 2, bigla na lamang may ipinakitang nakatatakot na monster na tila iba ngunit mukhang kapareho ng pinaggalingan ng demogorgon.

“We’re not kids anymore,” ani Mike (Finn Wolfhard) sa trailer. “I mean, what did you think? That we’re just going to sit in my basement all day playing games for the rest of our lives?”

Ang Stranger Things Season 3 ay nakatakdang ipalabas sa July. Ito ang isa sa pinakasikat na series ng Netflix na hindi maitatangging kinagiliwan ng maraming Pinoy Fans. Sa katunayan, ilang sandali pa lamang nang ilabas ang trailer ay trending na at pinag-uusapan na ito ng mga Pinoy sa Twitter.

Kabilang sa mga star ng Stranger Things ay sina Gaten Matarazzo, Caleb McLaughlin, Noah Schnapp, Millie Bobby Brown at marami pang iba./Remate News Team