Trailer ng ‘Tililing,’ hindi palalagpasin ng mga moralista!

Trailer ng ‘Tililing,’ hindi palalagpasin ng mga moralista!

February 11, 2021 @ 9:04 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Una nang may bumatikos sa movie poster ng “Tililing” dahil hindi raw dapat inilalarawang katatawanan ang may diperensya sa mental health.

Mukhang ang susunod namang pag-iinitan ay ang trailer nito.

May running time na dalawang minuto at sampung segundo (2:10), lutang sa trailer ang malulutong na mura ng mga karakter partikular na sina Gina Pareno at Candy Pangilinan.

May eksena rin kung saan ang dayalogo ni Baron Geisler ay, “Ano ba ang kant*t? Masarap na ‘yon?” Malamang na hindi ito magugustuhan ng mga moralista.

Anyway, layunin daw ng “Tililing” na ipakalat ang mental health awareness, at hindi gawing biro ito.

Nauna nang umalma si Liza Soberano sa poster nito, na agad din namang naipaliwanag ng direktor. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •