Trailer truck nasunog sa SLEX

Trailer truck nasunog sa SLEX

June 29, 2018 @ 11:03 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang nasunog na trailer truck sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) kaninang umaga.

Maswerteng walang nasaktan sa aksidente dahil naitabi agad ng driver ang truck at mabilis silang nakalayo ng kasamang pahinante bago ito tuluyang lamunin ng apoy sa kilometer 29 bago mag-Susana Heights Exit.

Agad ding naapula ang apoy pero naipon ang mga sasakyan dahil hindi pa naiaalis ang truck na nasa outermost lane ng SLEX. (Remate News Team)