TRAIN Law idineklarang constitutional ng SC

TRAIN Law idineklarang constitutional ng SC

January 27, 2023 @ 6:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Idineklara ng Supreme Court na legal at naaayon sa konstitusyon ang Republic Act No. 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law).

Sa desisyon ng SC en banc, ibinasura ang mga petisyon ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio at Laban Konsyumer, Inc.

Una nang iginiit ng mga petitioner na labag sa batas ang TRAIN Law dahil bukod sa naisabatas ito kahit kulang sa quorum ang House of Representatives, maituturing din na prohibited regressive taxes ang probisyon na nagpapataw ng excise taxes sa diesel, coal, liquefied petroleum gas, at kerosene.

Ipinunto rin ng petitioners na ang excise taxes ay hindi pabor sa mahihirap at nilalabag ang right to due process at equal protection of laws ng mamamayan.

Gayunman, sinabi ng korte na nabigo ang mga petitioner na patunayan na ang probisyon sa TRAIN Law ay ā€œanti-poorā€ at maituturing na haka-haka lamang.

Lumabas din sa official Journal ng House of Representatives na may quorum nang ipasa ang TRAIN Law.

Labing-tatlong mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon, isa ang tumutol habang isa ang hindi nakibahagi. Teresa Tavares