TRAIN law, nakatulong sa pagtaas ng revenue-DOF

TRAIN law, nakatulong sa pagtaas ng revenue-DOF

July 31, 2018 @ 1:23 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa unang quarter ng taon pa lamang ay tumaas na ng P33.7B ang kita ng bansa bunsod ng pinaigting na koleksyon at pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion(TRAIN) Law, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez.

Sa budget hearing sa House of Representatives, sinabi ni Dominguez na tumaas ng 13.6% ang kinita ng bansa, umangat umano ng nakokolektang buwis sa 17% na mas mataas sa target na 3%.

Tumaas din ng 20% ang sin tax collection na umabot sa P1.1T na mataas sa P193B noong 2016.

Nagkaroon din ng pagtaas sa revenue collection ng Bureau of Customs na umabot sa 33% habang ang ibang non-tax revenues ay tumaas sa 45% sa unang kalahating taon ng 2018.

Dahil sa mataas na koleksyon, siniguro ng gobyerno na hindi na mabibitin ang social benefits sa ilalim ng TRAIN law.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na sa 2019 budget ay nakapaloob na ang alokasyon para sa ibat ibang mitigating measures na pangtulong sa publiko.

Ani Diokno nasa P6B ang nakalaan para sa unconditiona cash transfer at P3.9B sa Pantawid Pasada Program samantala P2.7B ang para sa Public Utility Jeepney Modernization. (Gail Mendoza)