TRAIN law palitan man ng pangalan, mabaho pa rin – Makabayan Bloc

TRAIN law palitan man ng pangalan, mabaho pa rin – Makabayan Bloc

August 8, 2018 @ 1:51 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Itinuring na insensitibo ng Makabayan Bloc ang ginawang pagpasa sa committee level ng Kamara sa ikalawang bahagi ng Tax Refrom for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate na minadali ito sa harap ng nararanasang paghihirap ng publiko sa pagtaas ng inflation sa 5.7%, giit ng mambabatas palitan man ng pangalan at gawing Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opprtunities (TRABAHO) ay nanatiling mabaho ang panukala.

“Pataas nang pataas ‘yung ating inflation, ipinasa nila yung TRAIN 2 at nag-rebranding sila dahil mabaho na nga ‘yung TRAIN ginawa nilang trabaho pero mabaho pa rin at ito ay pasakit pa rin pabigat sa atin sabi nila revenue neutral ito, hindi po totoo yun,” paliwanag ni Zarate.

Dagdag pa ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio hindi mapagtatakpan ng pagpapalit ng pangalan ang tunay na masamang epekto ng tax reform program ng administrasyon.

Nangangamba si Tinio na kung maipasa na ang TRAIN 2 ay mas lolobo pa ang inflation rate. (Gail Mendoza)