Train sched sa bisperas ng Pasko, Bagong taon inanunsyo ng LRT1

Train sched sa bisperas ng Pasko, Bagong taon inanunsyo ng LRT1

December 16, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), private operator ng Light Rail Transit 1 (LRT1) nitong Biyernes, Disyembre 16 ang schedule ng kanilang biyahe sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso, sinabi ng LRMC na mas maikli ang oras ng kanilang byahe sa mga nabanggit na selebrasyon kung saan sa Disyembre 24, ang huling byahe ng tren mula Baclaran Station ay alas-8 ng gabi habang ang tren mula Roosevelt Station ay 8:15 p.m.

Alas-7 ng gabi naman ang last trip ng tren ng LRT1 sa Disyembre 31, 2022 mula Baclaran Station habang 7:15 p.m. naman ang mula Roosevelt Station.

Samantala, parehong 4:30 ng umaga ang magiging first trip ng tren.

Magpapatuloy naman sa pagseserbisyo sa mga pasahero ng LRT-1 sa Pasko (Disyembre 25), Rizal Day (Disyembre 30) at New Year’s Day (Enero 1).

“Passengers of LRT-1 are advised to plan their trips ahead of time,” ayon sa LRMC. RNT/JGC