Trainer aircraft, sumadsad sa dagat sa Iba, Zambales!

Trainer aircraft, sumadsad sa dagat sa Iba, Zambales!

March 17, 2022 @ 3:15 PM 4 months ago


ZAMBALES, Philippines – Sumadsad sa dagat sa Iba, Zambales ang isang trainer aircraft dakong alas-7:10 umaga ng Huwebes.

Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines, nagsasagawang test flight ang mga estudyante gamit ang Rockwell Commander 685 o Aero Commander 685 nang sumadsad ito 500 metro mula sa pampang sa bahagi ng Purok 3, Barangay Sto. Rosario ng nasabing munisipalidad.

Anim ang kabuuang sakay ng aircraft kabilang ang mga student pilot, marshal at ang mismong piloto nito.

Agad na isinugod sa ospital ang mga sakay nito matapos na ma-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ilang lokal na mangingisda sa lugar.

Inatasan naman sina CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators Colonel Rommel Ronda at Ralph Fango para imbestigahan ang aksidente. RNT/ JCM