Training center para sa disaster response, pasisinayaan ng MMDA

Training center para sa disaster response, pasisinayaan ng MMDA

February 17, 2023 @ 9:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes na nakatakda itong magbukas ng disaster preparedness training center para sa emergency at disaster responders.

“The training center aims to improve and institutionalize disaster response measures in the metropolis and to provide a safe, conducive, and controlled learning environment to capacitate individuals and stakeholders on emergency response and public safety that outlines the effective management of emergency situations and all matters related that may occur in the face of a crisis,” pahayag ng MMDA.

Inilahad ni MMDA Acting Chairman Attorney Don Artes, na nabuo ang konsepto ng training matapos matukoy ng ahensya ang pagkukulang sa capacity-building at training ng rescuers matapos ang lindol na tumama sa Abra province noong Oktubre 2022, kung saan nagmula pa sa iba’t ibang lugar ang rescuers.

“The agency saw the need to build a center that will focus on disaster response to empower rescuers and provide those affected by disasters with immediate assistance,” ani Artes.

Magsisilbi rin itong hakbang para maiwasan ang posibleng casualties kapag tumama ang 7.2-magnitude na lindol sa Metro Manila, base sa 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Anito, posibleng magdulot ang lindol na tinatawag na “The Big One,” ng pagkasawi ng hindi bababa sa 35,000 indibidwal, 120,000 injuries, at economic loss na aabot sa P2.5 trilyon.

Itatayo ang center sa Carmona Sanitary Landfill sa Cavite City kung saan itatampok ang apat na training facilities: Rappelling tower, Confined Space Structure, Wrecked Building with Structure Rubble Pile, at Pancake Collapsed Structure, na magbibigay ng pagsasanay sa real-life rescue scenarios.

Inaasahang magbubukas ito bago matapos ang taon. Inisyal na sasanayin dito ang 17 Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) at kalaunan ay magsasanay na rin ng ibang government agencies, barangay auxiliaries, fire volunteer groups sa Metropolis, at rescuers mula sa iba’t ibang lalawigan.

Inihayag ni Artes na magkakaroon ng two-week training gamit ang existing equipment, gaya ng life locators at vibrascopes, para makapagsanay ng mas maraming rescuers na maaaaring magbigay ng agarang disaster response assistance.

“A medical clearance is required for an interested rescuer before he/she can participate to ensure that he or she is physically fit to undergo the training,” aniya. RNT/SA