Training ng collegiate athletes simulan na – CHED

Training ng collegiate athletes simulan na – CHED

December 13, 2021 @ 12:55 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Itinakda na sa Marso 2022 ang petsa para sa pagbabalik ng kumpetisyon para sa UAAP at NCAA at ibinigay na ng Commission on Higher Education ang go-signal para sa muling pagbabalik ng in-person training.

Inaprubahan ng CHED ang guidelines kahapn para sa bubble training kung saan pinapayagan ang 50-percent capacity sa lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 at full capacity sa Alert Level 1.

“Collegiate trainings may start immediately. The next step now is how can we make the competitions safe,” ayon kay Ched chairman Popoy de Vera.

Tanging ang mga student-athlete na fully vaccinated at coach lamang ang pwedeng lumahok sa training sessions base sa inilatag na health guidelines.

Simula pa noong Marso 2020 ay hindi na nakapaglaro ang mga varsity players.

Nagsagawa na ang CHED ng on-site inspections sa mga practice venues at dormitories para sa lahat ng  member-schools ng UAAP a NCAA sa mga nakaraang buwan upang masiguro na masusunod ang protocols.

Lumabas ang ganitong pagbabago matapos payagan ng gobyerno ang unti-unting pagbubukas ng face-to-face classes sa bansa.Rico Navarro