Training ng collegiate teams, niluwagan ng CHED

Training ng collegiate teams, niluwagan ng CHED

April 26, 2022 @ 7:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, tuluyan nang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga team sa kolehiyo na magluwag na rin sa kanilang guidelines sa mga training session.

Sinabi ng CHED na maari nang buwagin ang mga bubbles sa mga kolehiyo at puwede na ang uwian ng kanilang players, coaches o varsity squads habang nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Matatandaang pinulong ni CHED Chairman Prospero de Vera ang mga opisyal ng National Collegiatte Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Pinayuhan na lamang ng CHED na dapat mapanatili  pa rin ang minimum health protocols at ‘wag magkampante ang mga players para hindi mauwi sa hawaan muli sa COVID-19.JC