Training ng PH Karate sa bubble, sumipa na

Training ng PH Karate sa bubble, sumipa na

January 16, 2022 @ 1:01 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Simula na ang bubble-set up training ng Philippine National Karate team ngayong Lunes makaraan ang mga kanselasyon ng training makapagsisimula na sila sa kanilang preparasyon para sa 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Mayo 12 sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Karate Pilipinas President Ricky Lim, halos 75 percent ng national team ang papasok sa training bubble sa Philippine Sports Commission (PSC) compound sa Teachers Camp sa Baguio City.

Ang iba pang batch ayon kay Lim, ay mananatili sa isolation dahil na rin sa nagkaroon ng kontak ang mga ito sa mga COVID-19 positive cases pero makababalik din sa training, sa susunod pang isang linggo muli.

“I asked commissioner (Ramon) Fernandez if we can continue with the training in Baguio and he said yes so we are good to go. And anyway, we are inside a bubble so there won’t be any problem,” ani Lim.

“The sooner that we transfer them to Baguio, the better. That’s because most of the cases are in Manila so we don’t want to risk their health.”

Orihinal sanang nakaiskedyul ang training ng Karate Pilipinas noong Enero 5 pero iniurong ng Enero 12 upang makapahinga pa ang ibang karatekas mula sa nagdaang torneo ng 2021 Asian Karate Championships na idinaos sa Kazakshtan noong Disyembre.

Tumapos dito ng may parehong silver sina SEAG gold medalist Junna Tsukii at Jamie Lim sa kani-kanilang kategorya habang si Sakura Alforte ay naka-2 bronze medal. Bronze din si John Enrico Vasquez sa U21 kata male. JC